Ako po si Agnes Bailen.
Abogado. Guro. Mananaliksik. Mag-aaral. Pilipino.
Simple lang po ang aking naging hangarin sa pagtakbo: ibalik ang kakayahan at prinsipyo sa Senado.
Kakayahan. Ako po ay pinagpalang magsilbi sa publiko sa tatlong sangay ng gobyerno.
Prinsipyo. Sa aking halos 30 taong serbisyo sa bayan, maipagmamalaki ko pong iharap ang sarili ko na walang bahid ng katiwalian.
Kilalanin paAng aking plataporma po ay nagmumula sa hangaring magkaroon ng batas na patas sa lahat at uunahin ang mamamayan. Palakasin ang mga batas ngayon upang pumanig naman sa taumbayan. Ipasa ang mga batas na kinakailangan ng ating kinabukasan.
Habang tayo ngayon ay nasa gitna ng pandemya, unahin natin ang trabaho at kalusugan ng mga Pilipino. Kayang-kaya ito kung dadaanin sa gawa at hindi puro salita lang. Ang kailangan ngayon sa Senado ay yung tunay na magtatrabaho. Bilang empleyado ng taumbayan sa loob ng halos 30 taon, alam ko po ang tunay na kahulugan ng serbisyo publiko (kahit silent worker lang po ako 😄).
Kilatisin paThey say that you need billions of pesos to win an election. Let us prove them wrong!
Ayon sa Omnibus Election Code, as amended by RA 7166, ang isang independent candidate na katulad ko, ay mayroong campaign spending limit na Php5 o limang piso bawat botante.
Hindi po tayo bibili ng boto!
Sa halip, ipapaalala natin na sa Artikulo 2, Seksyon 26 ng Saligang Batas, ginagarantiya ang pantay o equal access to opportunities for public service. Binibigyan nito ng pagkakakataong lumahok sa pampublikong serbisyo ang isang mamamayan.
Hindi po ako galing sa isang political dynasty, kaya po ako ay taos pusong humihingi ng inyong suporta. Kung kayo ay isang Filipino citizen, maaari kayong mag-ambag sa ating kampanya.
Wala po akong makinarya, pangalan, o kapangyarihan—para sa akin hindi ito hadlang. Ito ay oportunidad para sa ating lahat na magluklok sa Senado ng taong walang tali sa iilan.
Kayo po ang makinarya ko. Ang pangalan ko kapantay din ng sa inyo. Sa kampanyang ito, ang kapangyarihan ay nakasalalay lamang sa suporta ninyo. Samahan ninyo ako sa labang ito!
My dear Filipinos, friends, lovers, and dreamers!❤️😊🌈
Here is
"A Mother’s Song”, composed by Augusto “Agot” Espino, lyrics by Agnes Bailen, and interpreted by Stefanie Quintin-Avila. Maraming maraming salamat sa pagmamahal at suporta!❤️🇵🇭🌏 Today is mommy’s 82nd birthday. Though she is now resting in peace, for today at least she is alive for our love for her brought her back (reunited her to us) at least for the duration of the song.